METRO MANILA – Sinuspinde ng Department of Education ang face-to-face classes para sa selebrasyon ng World Teachers’ Day at 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon sa DepEd, ipatutupad sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa ang blended learning sa darating na October 5 para sa pagdiriwang ng National Teachers’ Day at World Teachers’ Day, habang wala namang pasok sa October 31, isang araw matapos ang 2023 BSKE.
Dagdag pa ng DepEd, lahat ng in-person classes sa public elementary at secondary schools kasama ang mga community learning centers ng Alternative Learning System (ALS) ay magshi-shift sa iba’t ibang blended learning modalities.
Idineklara din ng kagawaran na walang face-to-face classes at ipatutupad ang blended learning sa November 3.