METRO MANILA – Naglabas ng direktiba ang Department of Education-Schools Division of Manila na lilimitahan na ang klase sa lungsod sa morning shift o tuwing umaga na lamang.
Sa ilalim ng nasabing memorandum, isasagawa ang face-to-face classes sa lahat ng public schools sa lungsod ng Maynila, mula ala-6 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali lamang.
Ipatutupad ito mula sa Huwebes April 11 at tatagal hanggang May 28, 2024.
Layon pa rin ng hakbang na ito ng DepEd Manila na maiiwas ang mga estudyante mula sa matinding init na nararanasan sa bansa.
Tags: DepEd, F2F Classes