Extension sa deadline ng SOCE filing, ipadedeklarang null and void

by Radyo La Verdad | June 20, 2016 (Monday) | 1194

SUPREME-COURT
Ipadedeklarang null & void sa Korte Suprema ang ginawang pagpapalawig ng Commission on Elections sa deadline ng pagsusumite ng Statement of Contributions and Expenditures o SOCE.

Ang reklamo ay ihahain ni election lawyer Manuelito Luna, dahil kung pagbabatayan aniya ang Republic Act 7166, non extendible dapat ang June 8-deadline sa submission ng after-elections report.

Hindi aniya ito saklaw ng kapangyarihan ng COMELEC at tanging Kongreso lang ang maaring makagawa ng amyenda sa batas upang makapagtakda ng bagong deadline.

Una nang sinabi ng sinabi ng poll body na handa silang idipensa sa korte ang pagpapatupad ng panibagong deadline.

(UNTV RADIO)

Tags: , ,