Expanded parental leave, ipatutupad sa Canada bago matapos ang 2018

by Radyo La Verdad | November 10, 2017 (Friday) | 2485

Unang inihayag noong Agosto ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang planong baguhin ang Employment Insurance System sa bansa.

Sa ilalim nito, mabibigyan ng access o makakuha ang mga bagong magulang ng 18-month maternal leave benefits, ito ay upang magugol nila ang mas mahabang panahon kasama ang pamilya ng hindi mababawasan ang matatanggap na benepisyo.

Ayon sa labor code sa Canada allowed na makapag maternal leave ang isang empleyado ng 15 weeks o mahigit tatlong buwan, puede pa itong i-extend ulit ng 35 weeks o eight months. Maaring umabot ng hanggang isang taon ang maternal leave.

At sa pamamagitan nung employment insurance, binibigyan po ng mga benepisyo ang working parents upang mayroon silang panggastos habang nasa bakasyon

Ang hinihintay na lamang ngayong araw ay ang anunsyo ng pamahalaankung paano ang gagawin sa kanilang benefits, babawasan ba o dadagdagan o hahatiin ung 12 months benefit para magkasya sa 18 months.

 

 

 

Tags: , ,