Expanded number coding scheme, suspendido ngayong holiday season

by Radyo La Verdad | December 25, 2023 (Monday) | 11941

METRO MANILA – Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng number coding scheme ngayong holiday season.

Suspendido ang number coding scheme ngayong araw ng Lunes, December 25 at bukas araw ng Martes, December 26.

Hindi rin ito ipatutupad sa darating na January 1, 2024

Ayon sa MMDA, bahagi ng hakbang na pamahalaan upang matiyak ang maalwan na paglalakbay ng mga motorista ngayon holiday ang suspension ng number coding scheme.

Tags: , ,

Grace period sa panghuhuli ng mga E-bike at E-trike sa national roads, pinalawig pa ng isang Linggo

by Radyo La Verdad | May 21, 2024 (Tuesday) | 60990

METRO MANILA – May dagdag na 1 Linggong pataan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga E-bike at E-trike na dadaan sa national roads.

Ayon sa MMDA, sa susunod na Lunes, May 27 na nila sisimulan ang panghuhuli, paniniket, at pag-iimpound ng mga E-bike at E-trike.

Ipinaliwanag ni MMDA Acting Chairman Atty. Romando Don Artes napagdesisyunan ng ahensya na magsagawa pa ng 1 Linggong information drive.

Noong April 18 nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bigyan pa ng 1 buwan na grace period ang mga E-bike at E-trike user dahil sa kakulangan ng awareness at daing na masyadong mataas ang multa na aabot sa P2,500.

Ayon sa MMDA, nabawasan na ang mga E-bike at E-trike users na nagtatangkang dumaan sa national roads sa loob ng nakalipas na 1 buwan na grace period.

Sa oras na maniket ang MMDA, 1,000 ang magiging multa sa mga E-bike at E-trike users kung meron silang dalang driver’s license habang 2,500 naman kung walang lisensya at ma-iimpound pa ang kanilang sasakyan

Tags:

MMDA, sisimulan ang panghuhuli sa mga E-bike at E-trike sa national road sa May 18

by Radyo La Verdad | April 22, 2024 (Monday) | 60453

METRO MANILA – Nagbigay ng grace period ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagbabawal sa mga E-bike at E-trike na dumaan sa national road.

Ayon sa ahensya, sa May 18 na lang istriktong ipatutupad ang panghuhuli sa mga nasabing e-vehicles pero babala nito hindi ibig sabihin ay pwede nang magsamantala ang mga E-bike at E-trike na dumaan sa national roads sa loob ng itinakdang grace period.

Pinag-aaralan naman ngayon ng ahensya na maibalik sa mga may-ari ang na-impound na mga E-bike at E-trike nang hindi na magbabayad ng multa.

Tags: ,

DOTr, MMDA at PNP, magsasanib-pwersa para sa anti-colorum operations sa bansa

by Radyo La Verdad | April 18, 2024 (Thursday) | 62733

METRO MANILA – Magsasanib-pwersa na ang Department of Transportation (DOTr), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at Philippine National Police (PNP) sa mga anti colorum operations sa bansa.

Isang kasunduan ang nilagdaan ng MMDA, DOTr, at DILG para bumuo ng isang joint task force para palakasin ang pwersa ng mga nanghuhuli sa kalsada.

Ang nasabing hakbang ay kasunod ng kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na tutukan ang operasyon sa mga colorum vehicle.

Tags: , ,

More News