METRO MANILA – Sinuspinde ngayong araw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme sa Metro Manila kasabay ng tigil-pasada ng transport groups.
Ayon sa MMDA ang suspension ay para ngayong araw (March 6) lamang at oobserbahan pa nila kung kailangan bang i-extend ito.
Para naman matulungan ang mga stranded passenger, magde-deploy ang ahensya ng 25 sasakyan para magbigay ng libreng sakay.
Ikinasa ng mga transport group ang tigil-pasada bilang pagtutol sa ipinatutupad na public utility vehicle modernization program ng gobyerno.
Tags: MMDA, Transport Strike