Expanded Maternity Leave Bill, posibleng maipasa sa Kamara bago matapos ang Marso

by Radyo La Verdad | March 9, 2018 (Friday) | 8050

Ngayong ipinagdiriwang ang International Women’s Month, umaapela ang grupo sa mga mambabatas na madaliin ang pagpapasa sa 100 days na Expanded Maternity Leave Bill sa Kamara na sa ngayon ay nasa 2nd reading pa lamang.

Ayon sa chairman ng House Committee on Women and Gender Equality, posible itong makalusot sa Kamara bago matapos ang buwan.

Pero ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP), tutol sa nasabing panukalang batas.

Sa ngayon ay 60 araw na maternity leave lang ang pinapayagan ng batas,  mababa ito kumpara sa ilang mga bansa sa Asya tulad ng Myanmar, Laos,  Singapore at Vietnam ba mayroong 98-180 na araw.

Magkakaiba rin ang bersyon ng nasabing panukala dahil ang inirerekomenda ng International Labor Organization (ILO) ay 98 araw, samatalang 120 araw naman ang bersyon sa Senado.

 

( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )

Tags: , , ,