Expanded Centenarians Act, sisikaping mahanapan ng pondo ngayong taon

by Radyo La Verdad | March 1, 2024 (Friday) | 471

METRO MANILA – Sisikapin ng isang mambabatas na mahanapan pa ng pondo ang kapipirma lamang na Expanded Centenarians Act para maipatupad ngayong 2024.

Ayon kay Senator Imee Marcos, umaasa siyang mahanapan ng pondo mula sa savings ng gobyerno ang batas para mabigyan ng cash gift ang mga lolo’t lola edad 80, 85, 90 at 95 anyos ngayong taon.

Nasa P2.45-B na lamang aniya ang kailangan na pondo para rito dahil mayroon nang P187-M na nakalagak para sa mga centenarian sa ilalim ng 2024 budget.

Una nang tiniyak ng mga mambabatas na lalagakan ng pondo sa ilalim ng pambansang pondo sa susunod na taon.

Tags: