Kinumpirma ng Malacañang at Department of Labor and Employment o DOLE ang nakatakdang pakikipagpulong ng labor groups kay Pangulong Rodrigo Duterte sa unang linggo ng Pebrero.
Ayon kay DOLE Undersecretary Joel Maglunsod, dito inaasahang lalagdaan ng Pangulo ang matagal nang hinihiling ng mga manggagawa na kautusan na magpapalawig sa pagbabawal ng labor contracting sa mga industriya at kumpanya sa buong bansa.
Una na itong inanunsyo ni Labor Secretary Silvestre Bello. Bukod sa isyu ng kontraktwalisasyon, inaasahan ding bubuksan ng labor groups kay Pangulong Duterte ang usapin sa epekto ng tax reform package. Hihilingin din ng mga ito na taasan ang sweldo ng mga manggagawang Pilipino.
( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )
Tags: DOLE, Executive order, kontraktwalisasyon