Inanunsyo ni Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar na binabalangkas na ng palasyo ang executive order para sa implementasyon ng Freedom of Information Bill o FOI.
Inaasahang ngayon o sa susunod na linggo ay mailalabas na ang naturang executive order na magbibigay ng access sa publiko sa mga dokumento ng gobyerno.
Ikinatuwa naman ng principal author ng FOI Bill na si former Congressman Lorenzo ‘Erin’ Tañada the third ang announcement na ito ng palasyo.
Ngunit aniya, sana ay kinonsulta ang FOI advocates sa pagbalangkas sa executive order.
(UNTV RADIO)
Tags: Executive order, Freedom of Information Bill, Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar