Epektibo na simula sa November 25 ang executive order sa Freedom of Information para sa executive branch ng pamahalaan.
Sa ilalim ng FOI, maaaring ma-access ng publiko ang mga impormasyon at dokumento pati na ang research data ng lahat ng departamento o ahensya na sa ilalim ng sangay ng ehekutibo.
Batay sa EO, ang impormasyong hihilingin ng publiko ay ilalabas ng hindi hihigit sa labinlimang araw kung walang anumang problemang legal.
(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)
Tags: executive branch of government, Executive Order sa Freedom of Information, November 25