Executive order para sa Nationwide Smoking Ban, nilagdaan na ni Pres. Duterte

by Radyo La Verdad | May 19, 2017 (Friday) | 1875


Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order para sa Nationwide Smoking Ban.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, pinirmahan ng pangulo ang executive order noong Martes.

Sa ilalim ng kautusan bawal nang manigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar maging indoor man o outdoor.

Kabilang na rito ang mga paaralan, workplaces, government facilities at iba pang establisyemento

Gayundin ang mga playground, sports ground or centers, transportation terminals, mga pamilihan, sidewalks at iba pa.

Sakop din ng EO ang mga public conveyances tulad ng mga elevator, eroplano, barko, tren, light rail transits, jeep, bus, tricycle at iba pang katulad na saskayan.

Magiging epektibo ang kautusan animnapung araw matapos mailathala sa pahayagan.

Tags: , ,