Nilagdaan na ni Pangulong Benigno Aquino III ang executive order para sa Tranche 1 o unang bigay ng dagdag na sahod ng mga empleyado ng gobyerno.
Ang una sa apat na bahagi ng dagdag na sahod ay base sa panukalang Salary Standardization Law or SSL 4 na nabinbin sa kongreso.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., nilagdaan ito ng pangulo pagdating nito sa bansa kaninang umaga mula sa pagdalo sa Special ASEAN-US Summit at working visit nito Los Angeles, California.
“President Aquino has signed an executive order “Modifying the Salary Schedule for Civilian Government Personnel and Authorizing the Grant of Additional Benefits for both Civilian and Military and Uniformed Personnel.” Pahayag ni Coloma.
Ang pagpapatupad sa dagdag na sahod ay magmumula sa P57.9B na nakapaloob sa 2016 General Appropriations Act.
(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)
Tags: Executive order, mga government employee, Pangulong Aquino