Executive Order na naglilimita sa paggamit ng mga paputok, nilagdaan na ni Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | June 21, 2017 (Wednesday) | 3953


Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order para sa regulasyon sa paggamit ng firecrackers at pyrotechnic devices.

Nakasaad sa EO na pinapayagan na lang ang paputok sa mga itatakdang lugar sa isang komunidad tuwing may espesyal na selebrasyon,kumpetisyon o katulad na event.

Kailangan ding may pahintulot ito ng munisipyo o siyudad; at pangangasiwaan ng isang “trained and duly licensed person” ng PNP.

Inaatasan din ang PNP na magkaroon ng panuntunan at listahan ng mga paputok na bawal gamitin sa isang community fireworks display.

Sila rin ang mangangasiwa sa inspeksyon at pagsira ng mga nakumpiskang ipinagbabawal na paputok.

Samantalang ang DOH, DILG, DENR at BFP naman ang gagawa ng regulasyon hinggil sa mga lugar na maaaring pagdausan ng fireworks display matapos ang public consultations.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,