Executive order kontra kontraktwalisasyon, nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte

by Radyo La Verdad | May 2, 2018 (Wednesday) | 8326

Sa harap ng mga Cebuano na dumalo sa Labor Day celebration, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order na magbabawal sa mga kumpanya sa bansa na magpatupad ng kontraktwalisasyon.

Ang Cebu ang host ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa sa bansa.

Bunsod nito, hinikayat ng pangulo ang Kongreso na muling pag-aralan at rebisahin ang umiiral na labor code upang mapagtibay ang kanyang kautusan.

Inatasan din ng pangulo ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magsumite sa kanya ng listahan ng mga kumpanyang nagpapatupad ng labor contracting.

Muli namang binalaan ng pangulo ang mga kumpanyang patuloy na nagpapatupad ng illegal contractualization.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,