Exec Dir. Lagmay, umapela kay Pangulong Duterte na huwag ipatigil ang Project Noah

by Radyo La Verdad | January 31, 2017 (Tuesday) | 946


Ikinababahala ni Project Noah Executive Director Mahar Lagmay ang nalalapit na pagtatapos ng kanilang mandato sa Pebrero bente otso

Ayon kay Dir. Lagmay, wala namang problema kung i-aadopt ng PAGASA ang kanilang teknolohiya at data ngunit hindi aniya dapat mabalewala ang kapakanan ng mga taong nagtrabaho para sa proyekto.

Aabot sa dalawandaang tauhan ng Project Noah ang mawawalan ng trabaho oras na ihinto ito kaya’t umaapela si Executive Director Lagmay kay Pangulong Duterte.

Isa sa solusyong nakikita ni Professor Lagmay upang hindi maapektuhan ang mga nagtrabaho para sa proyekto ay ma-institutionalize ito upang maging regular na empleyado ang mga contractual workers dito.

Pinayuhan naman ni Agriculture Sec. Manny Piñol si Lagmay na mag-isip ng mga bagong proyekto na maaaring magamit o pakinabangan ng iba pang ahensya ng pamahalaan.

Ayon pa kay Director Lagmay may labing limang ahensya rin ng pamahalaan na tumawag sa kanila at nagpakita ng suporta na ituloy ang proyekto.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: ,