Exclusive bus lane at odd even scheme sa mga pribadong sasakyan, isinusulong ng mga bus operator

by Radyo La Verdad | June 6, 2016 (Monday) | 2593

MON_TRAFFIC
Nagpulong ngayong araw ang mga bus operator sa tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority upang hanapan ng solusyon ang lumalalang traffic sa Metro Manila.

Pinangunahan ito ni atty.tony oposa, isang environmentalist at nagsusulong ng road sharing practice dito sa bansa.

Isa sa napagkasuduan sa pulong ay ang pagpapatupad ng dedicated lane ng mga bus sa metro manila.

Tatlong lane ang hinihiling ng mga bus operator para sa kanila.

Dalawa rito ay para sa city bus at isa sa point to point at provincial bus.

Sa pamamagitan nito, mas bibilis ang byahe ng mga bus.

Kailangan ring magamit ng maayos ang mga bus stop upang hindi kung saan saan nagbababa ng pasahero.

At dahil iilang lane na lamang ang matitira para sa mga pribadong sasakyan, iminungkahi rin ng mga bus operator na muling ipatupad ang odd even scheme sa mga pribadong sasakyan.

Sa ilalim nito, ang mga sasakyan na ang plate number ay nagtatapos sa 1,3,5,7,9 ay bawal sa araw ng Lunes, Miyerkules at Biyernes.

Habang ang 2,4,6,8,0 naman ay bawal sa araw ng Martes, Huwebes at Sabado.

Sa ganitong paraan, mababawasan ang mga sasakyan sa mga lansangan sa Metro Manila.

Mahigpit rin dapat na maipatupad ang no parking upang magamit ng maayos ang mga secondary road.

Ayon sa MMDA, paguusapan pa ito ng Metro Manila Council na binubuo ng mga mayor bago tuluyang ipatupad sa Metro Manila.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,