Exam para sa pagkuha ng lisensya, nais baguhin ng LTO

by Radyo La Verdad | September 19, 2023 (Tuesday) | 505

METRO MANILA – Nais baguhin ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license exam upang mas maging angkop sa mga aplkikante ngayon.

Bunsod na rin ito ng sunod-sunod na road rage incidents.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza, plano nilang gumawa ng “Customized” questions nang hindi mawawala ang pagbibigay diin sa kahalagahan ng road safety o kaligtasan sa daan.

Nakatakda itong talakayin sa nalalapit na LTO district conference ngayong Linggo.

Tags: