Ex-Vp Binay, pinakakasuhan ng multiple counts of graft and corruption at falsification of public documents

by Radyo La Verdad | August 4, 2017 (Friday) | 2341

Nahaharap sa panibagong mga reklamo si dating Vice President Jejomar Binay Sr. Ito ay matapos ipag-utos ng Office of the Ombudman ang pagsasampa ng four counts of graft and corruption at three counts ng falsification of public document charges laban sa kaniya.

Kaugnay ito sa pagpapatayo ng Makati Science High School building.

Ayon sa Ombudsman, nakipagsabwatan ang dating Bise Presidente upang maniobrahin ang procurement process sa 1.3 billion peso project.

Kasama ring pinakakasuhan si dating Makati City Mayor Jejomar Erwin Binay Jr. Co-accused din ang mga bumubuo sa bids and awards committee at ang dalawang contractors na Infiniti Architechtural Works at Hilmarcs Construction Corporation.

 

Tags: , ,