Ex-Sen. Biazon, nakukulangan sa aksyon ng pamahalaan sa karapatan ng Pilipinas sa WPS

by Radyo La Verdad | February 20, 2018 (Tuesday) | 4378

Nanghihinayang si dating Senador Rodolfo Biazon kung hindi mapangangalagaan ng pamahalaan ang posisyon nito sa West Philippine Sea.

Si Biazon ang author ng Baseline Law of the Philippines na isa sa mga  hiningi umano noong 2010 ng United Nations bago ilabas ang resolusyon ng U.N. Arbitral Tribunal sa karapatan ng Pilipinas sa exclusive economic zone sa West Philippine Sea.

Kailangan aniyang protektahan ang interes ng bansa na naayon sa batas. Ibang bagay aniya ang pagkakaroon ng mabuting pakikipag-ugnayan sa China at sa iba pang claimant countries na hindi ikinukumpurmiso ang kapakanan ng bansa.

Una nang sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Alan Peter Cayetano na planong i-apela ng Pilipinas sa International Hydrographic Organization (IHO) ang mga pangalang ibinigay ng China sa limang undersea features ng Philippine Rise dahil hindi kinikilala ng Pilipinas ang ginawang ito ng China.

(Grace Doctolero / UNTV Correspondent )

Tags: , , , , ,