Ex professional player at 7 executives, pangungunahan ang DOJ Justice Boosters vs DA Food Masters

by Radyo La Verdad | September 27, 2017 (Wednesday) | 2517

Desidido ang Department of Justice Boosters ngayong season na makipagsabayan na sa malalakas na koponan sa liga ng mga public servant.

Isang dating professional basketball player ang idinagdag sa kanilang mas pinalakas na pwersa, ang 6’7’ na si Philip Butel.

Nagbabalik rin sa DOJ team ang 6’4” NBI aid na si Paul Gerard Reguera na hindi nakapaglaro noong nakaraang season .

Ayon kay headcoach John Agbayani, pinaghandaan nila ng husto ngayong season upang hindi na kapusin sa last quarters ng ballgame.

Bukod dito, suportado rin ng mga executives ng DOH ang kanilang koponan. Katunayan, pito sa kanila ang kasama sa line up ng team.

Ilan sa mga ito ay naglaro sa katatapos lamang na UNTV Cup Off Season Executive Face Off, kung saan nakapasok ang kanilang team sa semi finals sa kauna unahang pagkakataon na sumali sila sa UNTV Cup.

Babangain ng Justice Boosters ang Rookie Team DA Foodmasters mamayang alas tres ymedya ng hapon sa Pasig City Sports Center.

Bago ito ay mag-uunahan namang makasungkit ng unang panalo ang PDEA Drug Busters at NHA Builders alas dos ng hapon at ang maingame sa pagitan ng defending champion PNP Responders at Rookie Team DOH Health Achievers ala singko ng hapon.

 

( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )

 

 

 

Tags: , ,