METRO MANILA – Iginiit ng kampo ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte na wala itong ipinangako sa China na aalisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ayon kay Dating Executive Secretary na si Salvador Medialdea, sinisimbolo ng barko na pagmamay-ari ng Pilipinas ang teritoryo, kaya hinding hindi ito gagawin ni Duterte.
Nauna na ring sinabi ni dating pangulo na ngayo’y Deputy Speaker ng House of Representatives na si Gloria Macapagal Arroyo, at ng kampo ni Former President Joseph Estrada, na wala rin silang ipinangako na aalisin ang nag-iisang military post ng bansa sa West Philippine Sea.
Ang pahayag ng mga dating pangulo, ay matapos sabihin ng China, na nangako umano ang Pilipinas na i-pu-pull out ang barko sa bahura.
Kasunod ito ng pangbobomba at pangigitgit ng Chinese Coast Guard at militia vessels, sa mga bangka ng Pilipinas na maghahatid sana ng supply para sa mga naka-istasyon sa BRP Sierra Madre.
Tags: BRP Sierra Madre