Bukod sa bilyong pisong nalulugi umano sa kaban ng bayan dahil sa hindi na-ireremit ng mga operator ng small town lottery, may hindi rin umano nagdedeklara kanilang tunay na kinikita.
Ikinuwento ni Retired Police Superintendent Antonio Bago na naging provincial manager ng Even Chance Gaming Corporation sa Camarines Sur noong 2010, kung paano nila ginagawang front ang STL sa jueteng operations.
Pati ang nangyayaring pandaraya sa mga inilalabas na winning numbers ay isiniwalat na rin niya sa Senado. Ilan rin umano sa naging opisyal ng PCSO ay tumatanggap ng kickbacks mula sa jueteng.
Ngunit ayon sa PCSO, may nakahanda na silang reporma upang maiwasan na ang umanoy nangyayaring pandaraya ng mga STL operator.
Bunsod nito, ilang amiyenda sa PCSO charter ang nais isulong ni Senator Panfilo Lacson.
Samantala, iimbitahan rin sa susunod na pagdinig ng senado ang negosyanteng si Rodolfo Bong Pineda na sinasabing pinakamalaking jueteng operator sa bansa.
( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )
Tags: Antonio Bago, jueteng, small town lottery