Ex-PBA player na naaresto sa anti-drug operation sa Mandaluyong, kinasuhan na ng DOJ

by Radyo La Verdad | May 16, 2017 (Tuesday) | 4796


Kinasuhan na ng Department of Justice ang dating PBA player na si Dorian Peña na naaresto habang nagpa-pot session sa umano’y drug den sa Mandaluyong City noong nakaraang linggo.

Paglabag sa Section 15 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act o use of illegal drugs ang isinampang kaso laban kay Peña.

Magsasagawa rin ang DOJ ng hiwalay na imbestigasyon laban sa dating basketbolista para sa kasong pagbebenta ng iligal na droga.

Kasama ring nahuli ni Peña sina Jose Paolo Ampeso at Lady Mae Mesia Vilchez, alyas Mae;

Sasailalim ang mga ito sa preliminary investigation para naman sa kasong pagmamantine ng drug den.

(Roderic Mendoza)

Tags: , , ,