Ex-Agri Chief Manny Piñol, ipinabubuwag ang umano’y mga Cartel sa Agri Industry

by Radyo La Verdad | January 23, 2023 (Monday) | 2260

METRO MANILA – Ibinunyag ni dating Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Pinol sa isang interview sa Politiskoop na may mga nasa posiyon sa gobyerno na sangkot sa kartel.

Hindi naman pinangalanan ng dating opisyal kung sino ang mga ito.

Dagdag pa ni Pinol, kilala rin nito kung sino ang mga malalaking importer ng bigas sa bansa.

Paliwanag ng dating opisyal, ito aniya ang dahilan kung bakit hirap pa rin sa suplay at presyo ng pagkain ang mga ordinaryong Pilipino.

Hindi rin aniya matatapos ang isyu sa suplay ng pagkain kung hindi masosolusyunan ang cartel. Dapat din aniyang mawala ang mga middlemen o mga trader na kumukuntrol sa presyo ng pagkain.

2016 pa lang aniya ay may suhestyon na si Former Secretary Pinol na makonekta ang mga magsasaka sa mismong pamilihan.

Iginiit din nto ang responsibilidad ng pamahalaan na maisaayos ang proseso ng marketing o pagbebenta ng mga produktong agrikultura

Makatutulong din aniya ang tinatawag na food terminal kung saan dito na lamang ibebenta ng mga magsasaka ang kanilang ani.

Sa ngayon ay may ipinatutupad na farm-to-market program ang pamahalaan sa pamamagitan ng Kadiwa Stores.

Sa pamamagitan nito mas mura na naibebenta ang mga Agri products sa mga mamimili.

Tags: