Ethics complaint vs Sen. Antonio Trillanes, inihain ni dating BOC Commissioner Nicanor Faeldon

by Radyo La Verdad | September 26, 2017 (Tuesday) | 2156

Walang basehan at malisyoso umano ang mga naging paratang ni Senator Antonio Trillanes laban kay dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Sa labing apat na pahinang ethics complaint na inihain ni Faeldon kahapon, hinihiling niya na sa komite na pagpaliwanagin si Trillanes sa mga alegasyon na sangkot siya sa bilyun-bilyong piso halaga ng shabu shipment na galing sa China at maging sa pagtanggap umano nito ng tara.

Ayon kay Faeldon, pawang kasinungalingan lamang ang mga paratang na ito. Handa namang harapin ni Trillanes ang reklamo at sinabing hindi dapat malihis ang umanoy tunay na isyu.

 Dininig na rin kahapon ng Senate Committee on Ethics ang reklamong inihain ni Faeldon laban kay Senator Panfilo Lacson.

Napagkasunduan ng komite na huwag munang talakayin ang nilalaman ng ethics complaints laban sa dalawang senador hanggat hindi dumadalo sa Blue Ribbon Committee Probe ang complainant.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,