Estados Unidos, tiniyak ang patuloy na suporta sa Pilipinas laban sa terorismo

by Radyo La Verdad | July 7, 2017 (Friday) | 1622


Ginunita ng Estados Unidos ang patuloy na magandang relasyon nito sa Pilipinas kasabay ng pagdiriwang kahapon ng 241 years of Independence ng Estados Unidos.

Ayon kay US Ambassador Sung Kim, nananatiling matatag ang alyansa ng dalawang bansa.

Sa pagtitipon muling tiniyak ni Kim ang patuloy na suporta ng US government sa Pilipinas laban sa terorismo partikular na sa kasalukuyang kaguluhan sa Marawi City.

Samantala, nakiisa sa US independence celebration sina Executive Secretary Salvador Medialdea, ilang senador at iba pang opisyal ng Malakanyang.

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

Tags: , ,