Estados Unidos, muli umanong magsasagawa ng Freedom of Navigation Operation sa West Phil Sea

by Radyo La Verdad | November 9, 2015 (Monday) | 2577
United States Defense Secretary Ashton Carter(REUTERS)
United States Defense Secretary Ashton Carter(REUTERS)

Muling magsasagawa ng Freedom of Navigation Operation sa West Philippine Sea ang Estados Unidos.

Ayon kay United States Defense Secretary Ashton Carter, nakapag-reclaim ang China sa lugar ng mas maraming lupa kaysa sa alin mang bansa sa kasaysayan ng rehiyon.

Dahil dito ay nababahala umano ang Estados Unidos sa lawak ng land reclamation ng China at ang posibilidad ng pagkakaroon ng militarisasyon na maaring magdulot ng kaguluhan.

Kaya naman bilang tugon sa mga hakbang ng China ay ilalagay umano ng Amerika ang kanilang “best and newest” assets sa Asia Pacific.

Hindi naman sinabi ng Pentagon chief kung kailan isasagawa ang operasyon.

Una nang kinondena ng China ang pagpapatrolya ng Estados Unidos malapit sa mga man-made island ng bansa sa pinag aagawang teritoryo.

Tags: , ,