Espenido, itinangging sinadya ang pagpatay sa siyam na hinihinalang miyembro ng Martilyo Gang sa Ozamiz City

by Radyo La Verdad | August 30, 2017 (Wednesday) | 7444

Dumalo sa pagdinig sa DPJ si CInsp. Jovie Espenido upang sagutin ang reklamong murder at arbitrary detention na isinampa sa kanya at tatlo pang mga pulis.

Mariin nitong itinanggi na sinadya ang pagpatay sa siyam na hinihinalang miyembro ng Martilyo Gang sa ginawang operasyon ng mga pulis sa barangay Cavinte at Balintawak sa Ozamiz City noong June 1.

Anim na suspek pa ang naaresto na nakunan ng mga baril, alahas at shabu. Giit ni Espenido, lehitimo ang operasyon ng mga pulis at pakana lamang ng mga Parojinog ang kaso.

Ayon kay Espenido, tatapusin niya ang kanyang nasimulang trabaho sa Ozamiz bago siya magtungo ng Iloilo City. Kakausapin din muna niya si Mayor Jed Mabilog gaya ng dati niyang ginagawa bago magsagawa ng operasyon sa mga lugar na napuntahan niya.

Bahagi lang aniya ng kanyang trabaho ang pagpunta ng Iloilo at walang dapat ikabahala ang alkalde. Dati nang sinabi ng Pangulo na sangkot sa iligal na droga si Mayor Mabilog.

 

(Victor Cosare / UNTV Correspondent)

Tags: , ,