Tinatayang 150 ang patay sa pagbagsak ng eroplano ng Germanwings Airline sa France.
Ayon kay French Prime Minister Manuel Valls, 148, kasama ang anim na crew ang sakay ng eroplano nang mag-crash sa hindi pa malamang dahilan.
Mula sa Barcelona, Spain at biyaheng Duesseldorf, Germany ang Airbus A320 na pag-aari ng budget airline na affiliated sa Lufthansa.
Ayon sa Directorate General for Civil Aviation, bumagsak ang eroplano malapit sa bayan ng Barcelonnette na may layong 100 kilometro sa Nice, France.
Sa ngayon ay patuloy na ang isinasagawang search operations sa eroplano na umano’y bumagsak sa lugar na hindi maaaring pasukin ng ibang sasakyan, maliban sa helicopter.
Tags: French Prime Minister Manuel Valls, Germanwings Airline