ERC inutusan ang Meralco na ibalik ang sobrang singil sa mga customer na aabot sa P1.08-B dahil sa maling kwenta ng PEMC

by Erika Endraca | August 13, 2019 (Tuesday) | 8636

MANILA, Philippines – Inutusan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang meralco na ibalik ang mahigit P1-B sa mga customer nito simula June 2018 hanggang may 2019.

Ito ay dahil sa maling kwenta ng Philippine Electricity Market Coprporation (PEMC).

Ayon sa Meralco agad nilang ibabalik ang sobrang singil sa pamamagitan ng bawas singil sa generation charge matapos ma-compute kung magkano ang dapat na refund sa bawat customer.

Paglilinaw ng Meralco, kumukuha lamang sila ng kuryente sa spot market at hindi sa kanila napunta ang sobrang singil. Bumibili ang Meralco ng kuryente batay sa kwenta ng wholesale electricity spot market na pinatatakbo ng PEMC.

Samantala, bukod dito ay inutos din ng ERC sa PMC na ibalik ang P371- M sa iba pang distribution facilities, mga electric cooperative at kanilang mga customer.

(Bernard Dadis | Untv News)

Tags: ,