Epidemiologist: COVID-19 infections na naitatala ngayon sa bansa, bahagi na ng ‘second wave’

by Erika Endraca | May 8, 2020 (Friday) | 1954

METRO MANILA – Ipinahayag ng isang epidemiologist na bahagi ng Inter-Agency Task Force kontra Coronavirus Disease na si Dr. John Wong, na walang kamalay-malay ang maraming Pilipino na 2nd wave na pala ng COVID-19 infections ang nararanasan ngayon sa bansa na nagsimula nitong Marso.

Babala nito, posibleng masundan pa ito ng 3rd wave kapag tuluyang niluwagan ang lahat ng sektor pagkatapos ng May 15 lalo na kapag nagpaka-kampante ang publiko.

“So this is the second wave, kasi the first wave was in January. After this flattening of the curve and then when we relax the ECQ we will see another surge of cases of third wave.” ani Epidemiologist Dr. John Wong.

Maaari naman umano itong maiwasan bastat susundin ang minimum health standards gaya ng physical distancing, pagsusuot ng mask, tamang cough etiquette, at palagiang paglilinis ng katawan at paghuhugas ng kamay.

“Right now we are protecting each other by self-quarantine-ing at home. But once ECQ is relaxed, we are able to go out, we have to remember, we have to protect our self, our family, and protect each other.” ani Epidemiologist Dr. John Wong.

Hindi rin aniya matatapos ang pandemya hanggat walang naaaprubahang bakuna na maaaring abutin pa ng 2 taon.

Mahalaga ring masanay na sa bagong normal na takbo ng buhay habang naghihintay ng lunas sa COVID-19.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,