Epekto ng teknolohiya sa mga estudyante an sa online class, pinagaaralan ng CHED

by Erika Endraca | September 17, 2020 (Thursday) | 31648

METRO MANILA – Nababahala si Deputy Speaker Dan Fernandez sa posibleng maging epekto ng online class sa lebel ng pagkatuto ng mga estudyante ngayon.

Sa pagdinig ng House Committee on appropriations sa budget ng commission on higher education para sa 2021, ikinuwento nito ang isang senaryo noong kasama niya ang kanyang anak sa kanilang bahay.

“Nakikinig siya kumakain, nagkukwentuhan kami and i asked him “ano ba yang pinakikinggan mo?” sabi ko sa anak ko. Sabi niya sakin “dad nagoonline class ako”. Ha? Nagoonline class ka? Ha ok sige. Kain kami di nako nagsalita then i went outside”. ani Deputy Speaker Dan Fernandez.

Kaya naman pakiusap ng mambabatas sa Ched, sana ay bumalangkas ng panuntunan sa pagsasagawa ng online class para maiwasan ang mga istorbo at mas makatutok ang mga estudyante sa pagaaral.
“Is it possible na maging mandatory na kapag ang zoom classes ay isang oras yan, isang oras naka video in yung ating mga estudyante?”

Ayon naman kay Ched Chairpeson Prospero De Vera, kailangan seryosohin ang pag-aaral sa magiging epekto ng teknolohiya sa asal at ugali ng mga bata bukod pa sa kanilang kalusugan.

Samantala, ipinagbabawal parin ng pamahalaan ang pagkakaroon ng face-to-face na klase ngayon.

Pinagpapaliwanag nito ang isang eskwelahan sa isabela na nagsagawa ng face-to-face class noong Agosto.

Isang sa mga dumalong estudyante ay nagpositibo sa COVID-19 at tinutunton ng ngayon ang 45 nakasalamuha nito.

Pero ayon sa opisyal, kung pahihintulutan ay posibleng magkaroon ng pisikal na klase sa ilang lugar sa bansa sa Enero ng susunod na taon.

Naghahanap sila ngayon ng isang paaralan na maaaring kopyahin ang pasilidad para maiwasan ang hawahan ng COVID-19.

May panukalang pondo ang ched na P50.928B para sa 2021 ay

Mas mataas ito ng mahigit sa P3B kumpara sa budget ngayong taon.

Sa datos ng ahensya, nasa 76% na ang nakapagbubukas sa 112 pampublikong kolehiyo sa bansa habang ang 21% naman ang nakatakdang magbukas sa Oktubre.

(Rey Pelayo | UNTV NEWS)

Tags: