Epekto ng haze, nararamdaman na ng mga taga Zamboanga city

by Radyo La Verdad | October 27, 2015 (Tuesday) | 1693

DANTE_HAZE
Bagamat unti-unti nang numinipis ang haze sa lungsod na Zamboanga na mula sa forest fires sa Indonesia ay ramdam pa rin ang epekto nito sa kalusugan ng mga taga Zamboanga city.

Noong nakaraang linggo nagsimulang kumapal ang haze dito sa syudad kung saan halos matakpan na ang ilang lugar tulad ng Paseo del Mar na kilalang pasyalan sa lundsod.

Sinabi naman ng city health office na hindi umabot sa alarming level ang haze scale sa lugar batay sa kanilang ginawang monitoring ng pollution standard index.

Ngunit sa kasalukuyan sinabi ng ahensya na marami na ang nakaramdam ng epekto nito lalo na ang mahina o may asthma, pulmonia at iba pang respiratory diseases.

Nakakatanggap na rin sila ng maraming ulat hinggil pagkakaroon ng ubo lalo na sa mga lugar na tinamaan ng makapal na haze nitong nagdaang mga araw.

Kabilang sa nagreklamo ay ang libu-libong residente na nagpa-validate ng kanilag biometrics sa Paseo Centro Latino, Paseo del Mar dahil bukod sa mataas na pila at mainit na panahon ang kanilang nararansan;

Bukod sa ubo at nakaramdam din umano ang mga ito ng pangangati at pananakit ng mata

Kaugnay nito, patuloy ngayong minominotor ng health office ang kalusugan ng mga residente at inaalam kung gaano karami ang naapektuhan

Batay sa advisory ng DOH, kabilang sa posibleng mararamdaman ng isang indibidual sa epekto ng haze ay ubo, pananakit ng dibdib, nose or throat irritation, hirap sa paghinga, madalas na pagluluha ng mata.

Pinayuhan din lalo na ang mga kabataan, matatanda at may respiratory o cardovascular diseases na manatili na lamang sa bahay at mga lugar na may magandang ventilation kung wala namang mahalagang gagawin sa labas o di kaya naman ay magsuot ng dust masks kapag lalabas ng bahay.

Pinayuhan rin ang mga ito na iwasang magtungo sa low-lying areas na kinaroroonan ng makapal na usok o haze.

Huwag rin aniyang mag-atubili na lumapit at magpakosulta sa mga health center sa kanilang mga barangay kapag nakaramdam ng di maganda.(Dante Amento/UNTV Correspondent)

Tags: , ,