Epekto ng excise tax sa coal sa mga electric cooperative sa buong bansa, mararamdaman ng mga consumers sa buwan ng Marso

by Radyo La Verdad | January 9, 2018 (Tuesday) | 4275

Walumpung porsyento ng kuryenteng binebenta sa Bukidnon ay galing sa coal. Isa ang First Bukidnon Electric Cooperative o FIBECO sa siguradong magpapatupad ng dagdag-singil sa kuryente.

Ayon sa FIBECO, hinihintay lamang nila ang  Implementing Rules and Regulations mula sa Bureau of Internal Revenue upang ma-compute ang dagdag-singil.

Subalit gumagawa sila ng paraan upang hindi ito masyadong maging pasan sa kanilang customer.

Subalit ayon sa National Electrification Administration o NEA, hindi dapat mag-alala ang mga nasa labas ng Metro Manila sa epekto ng excise tax sa coal sa kanilang electric bill.

Anila, minimal ang epekto ng dagdag-buwis sa mga electric cooperative na gumagamit ng coal bilang source ng kuryente.

Ayon sa NEA, sa Marso pa mararamdaman ng mga nasa probinsya ang dagdag-singil dahil mayroon pang reserba na coal ang mga power supply company.

Sa kabuuan ay maroong mahigit isang daan na mga electric cooperative sa buong bansa, mahigit pitumpu dito ang gumagamit ng coal at halos limampu naman ang gumagamit ng mahigit 50% na coal bilang power source.

Nanawagan naman ang NEA sa lahat ng mga electric cooperative sa buong bansa na kung maaari ay lumipat na rin sa renewable energy dahil sa mas murang halaga nito.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,