Epekto ng El Niño sa ekonomiya ng bansa, hindi pa makikita ngayong taon – NEDA

by Radyo La Verdad | July 10, 2023 (Monday) | 7110

METRO MANILA – Tiniyak ng National Economic and Development Authority (NEDA) na nagsasagawa na ng mga hakbang ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang masugpo ang mga posibleng negatibong epekto ng El Niño phenomenon sa bansa.

Ayon kay NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon bagama’t hindi umano inaasahang maaapektuhan ng El Niño ngayong taon ang inflation, sinabi ni Edillon na maaaring maganap ang phenomenon sa pagsisimula ng taong 2024.

Makatutulong din aniya sa sa pagpapagaan ng mga epekto ng dry spell ang pagbabawas ng alokasyon para sa irrigation water para sa residential use sa angat dam.

Dagdag niya, dapat samantalahin ang madalas na pag-ulan na nararanasan sa buong bansa.

Samantala, tapos na rin ang Department of Agriculture (DA) sa pagmamapa sa mga lugar na posibleng maapektuhan ng long dry spell.

Habang naihanda na rin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga food and non-food stockpile na ibibigay sa mga lugar na maapektuhan ng El Niño.

(Bernadette Tinoy | UNTV News)

Tags: , ,