Hinangaan kagabi sa A Song of Praise (ASOP) weekly elimination ang awit papuri na likha ng singer-actress na si Hazel Faith Dela Cruz.
Hindi ito ang unang songwriting competition na nasalihan ni Hazel pero para sa kanya ay naiiba ang konsepto ng ASOP.
Ang entry ni Hazel na “Pananampalataya” ang nagwagi sa ikalawang weekly elimination ng ASOP ngayong Mayo.
Impressed ang mga hurado sa komposisyon ng young artist na inawit ng 14-year old na si Darlene Vibares.
Tinalo ng komposisyon ni Hazel ang mga entry na “Lifetime” ni Eugenia Martin at “God Has Me in Mind” nila Nonie Ramos at P.A. Atienza.
( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )
Tags: ASOP, Mayo, singer-actress