Energy Sec. Petilla at BuCor chief, nagbitiw na sa pwesto

by dennis | April 28, 2015 (Tuesday) | 1356
File photo
File photo

Kinumpirma ni Pangulong Aquino na nagbitiw na sa kanilang pwesto sina Energy Secretary Jericho Petilla at Bureau of Corrections Director Franklin Bucayu.

Pero pinakiusapan muna ng Pangulo na huwag munang silang agad umalis sa pwesto hangga’t hindi pa ito nakakahanap ng mga kapalit.

Ayon kay Pangulong Aquino, sa pasimula pa lamang ng taon ay hiniling na ni Petilla sa Pangulo na humanap na ng papalit sa kanya bilang kalihim ng DOE pero napakiusapan pa rin ito na huwag munang bibitaw sa tungkulin.

Ipinahayag pa ng Pangulo na kaya nais ni Petilla na magbitiw sa pwesto ay para tutukan muna ang kaniyang business process outsourcing project sa lalawigan ng Leyte at makapaghanda na rin sa susunod na eleksyon.

“I can promise you that Secretary Petilla will not leave the job if he is not sure it’s in capable hands… But I do recognize that he and other members of the Cabinet also have a right… to advance their own personal plans,” pahayag pa ni Pangulong Aquino.

Samantala, masamang lagay ng kalusugan at mga tinatanggap na death threat naman ang mga ibinigay na dahilan ni Bucayu kung bakit ito nagbitiw sa pwesto.

Tags: ,