Energy exploration sa Philippine rise, dapat nang simulan ng pamahalaan – Sen. Gatchalian

by Radyo La Verdad | July 18, 2017 (Tuesday) | 1812


Muling tinalakay ng senado kahapon ang mga panukalang batas para sa pagkakaroon ng Benham Rise Development Authority.

Kung saan ito ay isang hiwalay na ahensya ng pamahalaan sa ilalim ng pangangasiwa ng National Economic Development Authority na mangunguna para sa pagaaral at pananaliksik para sa pagpapaunlad ng Philippine rise.

Ayon sa chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, posibleng pagkatapos ng ikalawang State Of the Nation Address ng pangulo ay umusad na ang naturang panukala.

Dapat na rin aniyang simulan ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan ang energy exploration sa lugar kahit hindi pa naipapasa ang proposed bill.

Pinaniniwalaang mayaman sa natural gas deposits ang milyong ektaryang undersea region.

Gayundin sa lamang dagat na susuporta padgating sa food security ng bansa.

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

Tags: , ,