METRO MANILA – Hinimok ni Senador Jinggoy Estrada ang mga employer na bigyan ng karagdagang insentibo o benepisyo ang kanilang mga manggagawa na nagtatrabaho sa gitna ng matinding init ng araw.
Ayon sa senador, sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE) Advisory No. 17 series of 2022, maaaring tumangging magtrabaho ang isang manggagawa kung may panganib na maaaring idulot ang lagay ng panahon.
Nakasaad din sa DOLE advisory na hindi sila mapapatawan ng administrative sanction.
Entitled din ang empleyado sa regular na sweldo kung may paborableng patakaraan ang kumpanya o collective bargaining agreement, maaari rin gamitin ng empleyado ang kanyang leave credits