Mula sa 94% noong 2015, tumaas sa 95.2% ang employment rate sa Western Visayas ayon sa ulat na inilabas ng Department of Labor and Employment o DOLE Region 6 at Philippine Statistics Authority.
Sa mahigit na 3.4 million labor force ng rehiyon, 3.29 million habang 166 libo lamang underemployed sa buong western visayas.
Mas mababa ito ng 17% kumpara sa ulat noong nakaraang taon.
Bumaba rin sa 18.4% mula sa 21.4% ang underemployment rate sa Western Visayas.
Ayon kay OIC – Assistant Regional Director Salome Siation ng DOLE Region 6, ang naturang pagbaba ay nagpapakita ng malaking pag-angat sa klase ng hanapbuhay na sapat mapagkuhanan ng mga gastusin ng isang taga Western Visayas sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Samantala, mahigit sa 12,000 local and overseas jobs naman ang bukas sa publiko sa sinumang naghahanap ng trabaho sa darating na labor day jobs fair ng DOLE Region 6.
Mahigit sa isang libo sa mga trabaho ang magmumula sa BPO companies o call center habang mahigit sa dalawang libong trabaho naman mula sa 68 kumpanya sa western visayas ang bukas para sa mga naghahanap ng trabaho.
Sa mga nais namang mag-abroad, mayroon ding 8,765 jobs galing sa 15 overseas agencies ang maaaring pagpiliin sa naturang job fair.
Pinapayuhan naman ng DOLE ang mga job seekers na samantalahin ang pagkakataon at pumunta sa labor day job fairs upang makahanap ng disenteng trabaho.
Hinihikayat din ng ahensya na magparehistro ng maaga sa pinakamapalit na opisina ng DOLE upang maiwasan ang mahabang pila sa pagpaparehistro sa mismong araw ng job fair.
Ang labor day job fairs ay bahagi ng labor month celebration ng DOLE na naglalayong mabigyan ng disenteng trabaho ang mamamayan na makasasapat sa kanilang mga pangangailan.
(Vincent Arboleda / UNTV Correspondent)
Tags: 1.2% ngayong 2016, DOLE 6, Employement rate sa Western Visayas