Pansamantalang maaantala ang ilang serbisyo ng Philippine General Hospital (PGH) dahil sa apat na buwang pagkukumpuni ng ilang pasilidad nito simula ika-1 ng Hunyo.
Pangunahin dito ang renovation project ng PGH sa emergency room na nasa sampung taon nang hindi naipapaayos.
Bunsod nito, pansamantalang isasagawa ang mga emergency procedure sa Ward 14 ng ospital. Dahil maliit lang ang kapasidad nito, kaya’t magiging limitado din ang pagtanggap sa mga emergency patients sa PGH habang isinasagawa ang renovation.
Sisikapin pa rin ng PGH nai-admit ang mga pasyente kung kinakailangan bagaman pinapayuhan ng pamunuan ng PGH ang publiko na maghanap ng ibang pagamutan lalo kung hindi naman malala ang emergency case gaya ng trauma patients, atake sa puso at stroke.
Tags: emergency room, PGH, renovation