Emergency race, inilunsad ng UNTV Rescue

by Radyo La Verdad | December 16, 2015 (Wednesday) | 1240

EMERGENCY-RACE
Iba’t ibang mga rescue groups sa buong Metro Manila kabilang na ang mga volunteer at local government units ang nakiisa sa isinagawang Convention of Rescue Organizations in the National Capital Region sa Eton Centris sa Quezon city kagabi.

Ayon kay Kuya Daniel, layunin ng pagtitipon na mapaigting at mapalawak pa ang pagtulong sa kapwa na ginagawa ng mga rescue organization.

Kaya naman inilunsad ng UNTV Rescue sa pangunguna ni kuya daniel ang emergency race.

Ito ay isang kompetisyon na kung saan ang bawat rescue group na lalahok ay magpapatagisan ng galing sa pamamagitan ng iba’t ibang rescue skills.

Kabilang sa makukuha ng mananalo sa Emergency race ang cash prize at rescue equipment.

Isang limang ektaryang lupa din ang ipagagamit ng libre ng UNTV Rescue sa lahat ng mga rescue group sa Metro Manila upang mapagdausan ng mga training at iba’t ibang activities.

Plano rin ng UNTV Rescue na ilunsad ang call center hotline na 911-UNTV para sa mas mabilis na information dissemination sa pagitan ng mga rescue unit.

Ito ang tatanggap ng mga emergency call at magbabato naman ng impormasyon sa rescue group na malapit sa lugar kung saan may nangangailangan ng tulong.

Ikinatuwa naman ang mga rescue group ang planong ito ng UNTV.

Tags: ,