Bureau of Customs Service na siyang incharge sa koleksyon at taxes at Bureau of Security Control na icharge naman sa police powers.
Ito ang dalawang bagong ahensya na inirekomendang mabuo ng Kamara kapalit ng tuluyang pagbuwag sa Bureau of Customs dahil sa matinding katiwalian umano sa kawanihan.
Ayon sa Kamara mahigit 40 bilyong piso na ang nawala sa gobyerbo sa loob lamang ng isang taong pamumuno ni dating BOC Commissioner Nicanor Faeldon.
Ito ay base sa committee report na inilabas ng House Committee on Ways and Means matapos ang isinagawa nilang imbestigasyon sa mahigit 600-kilo ng shabu mula sa China na nakapuslit at nakumpiska ng BOC.
Inirekomenda rin ng kumite ang pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Duterte para ayusin ang BOC.
Samantala , patong-patong na kaso naman ang inirekomenda ng kumite na isampa laban kay Faeldon, ilang opisyal ng BOC at ng mga customs broker na umaming nagbibigay ng tara o suhol. Hindi naman umano ito uurungan ng kampo ni Faeldon.
( Grace Casin / UNTV Correspondent )
Tags: BOC, Kamara, Pres. Duterte