Nais ni Senate Finance Subcommitee Chair Sen. JV Ejercito na muling talakayin at maisulong sa Kongreso ang pagkakaloob ng emegency powers sa Department of Transportation (DOTr).
Ito ay upang mapabilis ang mga infrastructure projects sa Build, Build, Build project ng pamahalaan.
Samantala, aprubado na sa Senate Subcommittee on Finance ang 2019 proposed budget na 76.1 bilyong piso ng DOTr. Mas mataas ito ng 89% kumpara sa P40.2 billion pesos budget noong 2018.
P447 milyon ang gagamitin para sa PUV modernization program ng pamahalaan. Bahagi rin sa binusisi ng komite ang pag-uupgrade ng mga airports sa bansa.
Dapat na aniyang gawing night rated aiports ang mga paliparan sa probinsya upang mapalakas pa ang ekonomiya at turismo.
Ayon naman kay Secretary Arthur Tugade, dapat ring palaparan ang mga runway sa probinsya.
( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )