Embahada ng Pilipinas sa Kuwait nanawagan sa mga ofw na magparehistro na para sa overseas absentee voting

by Radyo La Verdad | October 22, 2015 (Thursday) | 1839

mylene_oav
Hanggang sa October 31 na lamang ang overseas absentee voting registration.

Dahil dito nanawagan ang embahada ng Pilipinas sa Kuwait na magparehistro na upang makaboto sa 2016 elections.

Isang buwan na lamang at matatapos na ang ating OAV or Overseas Absentee Voting registration,hindi lamang sa Kuwait kundi sa buong mundo kaya’t hinihikayat ko ang ating mga kababayan dito sa Kuwait na pumunta na dito sa embahada para magparehistro.

Ayon kay Ambassador Villa,ang eleksyon ang tamang pagkakataon upang marinig ang boses ng mga overseas Filipino workers.

Samantala, ilan sa mga kababayan nating nakapag-parehistro na ay pinag-iisispan pa ang kailang iboboto.(Mylene Soriano;Sonny Delos Reyes/UNTV Correspondent)

Tags: , ,