Embahada ng Israel, nagpaabot ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette sa Pilipinas

by Radyo La Verdad | December 27, 2021 (Monday) | 956

Lubos ang pasasalamat ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa embahada ng Israel dahil sa ipinagkaloob nitong tulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.

Naglalaman ang donasyon ng water purifier, 4 na solar panels, mahigit 2,000 kilo ng bigas, at 500 food and hygiene packs.

Ayon kay Israel Ambassador Ilan Fluss, handa ang bansang Israel na tumulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Pilipinas.

Una nang nakapagpaabot ang Israel ng tulong sa Cebu at Bohol at ngayon naman ay para sa mga residente sa Siargao.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)