Ikinababahala ng ilang kandidato ang ilang election related violence sa local candidate sa ilang lugar sa bansa.
Ayon kay Senate President Franklin Drilon, nakalulungkot ang pangyayari sa Calauan Laguna kung saan pinaslang ang isang kandidato sa pagka konsehal at driver nito ilang araw pa lamang ang nakalilipas.
Nanawagan rin si Drilon sa mga local candidate na sana naman ay huwag masyadong maging personal ang pang-aatake sa kalabang kandidato upang maiwasan ang karahasan.
Nanawagan naman si Vice President Candidate Bongbong Marcos sa PNP na unahin ang kaligtasan ng publiko kaugnay sa mga karahasan sa local campaign level.
Sinabi pa ni Marcos na dapat na magkaroon ng police visibility, pagpapatrolya para masigurong ligtas ang publiko.
Kinukundena rin ng United Nationalist Alliance o UNA Spokesman Mon Ilagan ang nangyari sa Calauan.
Nagpahayag naman ng kalungkutan ang COMELEC sa nagaganap pang karahasan sa kabila lumagda naman ang mga tumatakbong kandidato sa peace covenant.
Ayon sa COMELEC Spokesman, ano ang saysay ng peace covenant kung hindi naman pala ito susundin.
(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com