Election period, nagsimula na; nationwide gun ban, mahigpit na ipinatutupad

by Radyo La Verdad | January 11, 2016 (Monday) | 1287

COMELEC-CHECKPOINT
Nagsimula nang ipatupad ng Philippine National Police ang nationwide gun ban at paglalagay ng checkpoint sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ito ay bilang paghahanda sa May 2016 national elections upang maiwasan ang mga kaguluhan o election-related incidents sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Alinsunod sa Comelec Resolution No. 10015, mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala at pagbibiyahe ng mga firearms and explosives kasama na ang iba pang mga deadly weapons lalo na sa mga pampublikong lugar;

Kaugnay nito ay suspendido din ang lahat ng permit-to-carry firearms outside of residence o ptcfor, ibig sabihin tanging mga miyembro lamang NG PNP, AFP at iba pang mga law enforcement agencies na naka-uniporme at gumaganap ng kanilang mga tungkulin ang maaaring makapagdala ng kanilang baril.

(UNTV Radio)

Tags: ,