El Niño Warning System, itataas sa alert level sa Mayo – PAGASA

by Radyo La Verdad | April 21, 2023 (Friday) | 4457

METRO MANILA – Itataas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang El Niño Warning System nito sa “Alert Level” sa susunod na buwan.

Ayon kay  PAGASA Deputy Administrator Esperanza Cayanan, sa ngayon ay nasa monitoring level pa lamang ang kanilang ginagawa pero inaasahang tataas pa ang posibilidad ng pag-iral ng El Niño ngayong taon.

Samantala, makararanas naman ng pagkabawas sa dami ng ulan ang nasa 29 na lalawigan ng bansa ngayong buwan ng Abril kahit hindi pa umiiral ang El Niño.

Ayon kay Cayanan, ang mga ito ay nasa Luzon at Visayas.

Ngunit bago ito makararanas muna ng malalakas na pag-ulan bago maramdaman ang epekto ng El Niño sa huling bahagi ng taon hanggang sa unang bahagi ng 2024.

Tags: ,